Home ENTERTAINMENT Cristine, nagpahanap ng bahay sa netizens!

Cristine, nagpahanap ng bahay sa netizens!

Manila, Philippines – Aligaga ngayon si Cristine Reyes sa paghahanap ng mauupahang bahay para sa kanyang tatay-tatayang may sakit.

Hindi binanggit ng aktres kung ano ang karamdaman ng ama-amahan.

But Cristine took to her Instagram nitong March ang panawagan niya sa mga netizens para sa posibleng bahay na maaari niyang upahan.

Ang ideal location ay within Santolan area sa Pasig City.

Sa kasalukuyan, sa area rin daw na ‘yon nakatira ang kanyang tatay-tatayan.

Her post came with a photo ng isang babae at ang kanyang ama-amahan na naka-face mask at wheelchair.

“He needs sunlight,” pagbabahagi ni Cristine.

Nagbalik-tanaw ang aktres sa taong 2023.

Mabuti na lang daw ay maunawain at matulungin ang kanyang mga

Aniya, ipinag-alala raw siya nito–dahilan para mamaga ang kanyang mga mata dahil sa kaiiyak.

Nagkataong nasa set daw siya noong time na ‘yon at nagtatrabaho.

Mabuti na lang daw ay maunawain at matulungin ang kanyang mga katrabaho para maitawid niya ang taping hanggang matapos.

Wala namang binanggit si Cristine tungkol sa range ng paupahang bahay she wants for her sick loved one.

Samantala, December 27 last year nang nagmamadaling umalis si Cristine habang ginaganap ang MMFF Gabi ng Parangal.

Nakatanggap kasi siya ng tawag na isinugod sa ospital ang kanyang ina. Ronnie Carrasco IiI