Home METRO 8 gun-for-hire na sangkot sa shooting incidents sa Cebu, arestado!

8 gun-for-hire na sangkot sa shooting incidents sa Cebu, arestado!

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang walong miyembro na sangkot sa umano’y gun-for-hire operations na nasa likod ng serye ng pamamaril sa Cebu City.

Ang mga indibidwal na ito ay miyembro umano ng dalawang gun-for-hire groups na kumikilos sa Cebu noong mga nakaraang linggo, ayon kay Police Brigadier General Redrico Maranan, regional director ng Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7).

Ani Maranan, ang mga suspek ay naaresto sa serye ng operasyon ng pulisya mula Enero 17 hanggang Marso 1.

“During that series of operations, they were able to arrest eight suspects the gunman, lookouts, at yung mga contacts,” sinabi ni Maranan.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang walong armas at narekober ang 166 gramo ng shabu.

“Sa ngayon, sila yung tinitingnan namin na responsible sa mga shooting incidents natin dito sa Cebu City and usually, paid sila sila yung mga gun-for-hire na binabayaran para patayin yung mga kalaban, pwedeng sa personal grudge, pwedeng relationship, and pwede din sa mga drug-related killings,” pahayag pa ni Maranan.

“Dalawang grupo ito. Yung Anyesa group at Ilaya group nag o-operate sa Cebu City and nearby provinces nag e-execute ng kanilang gun-for-hire activities. With the arrest of two groups, we believe that the shooting incidents in Cebu City will be lessened…appropriate criminal charges were already filed and some of the suspects that were arrested were already committed in the BJMP,” pagpapatuloy ni Maranan.

Ang apat sa mga naarestong indibidwal ay nasa kustodiya ng PRO-7, habang ang iba pa ay nakakulong na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Samantala, inatasan na ni Maranan ang lokal na mga awtoridad na palakasin ang operasyon laban sa gun-for-hire groups.

“Medyo matagal na kasi hindi naman ganun kabilis kaagad ganun mag organize ng grupo and based sa ating mga intelligence reports ay marami na rin talaga silang nabiktima,” aniya.

“Kaya patuloy ang ating paghanap, pagkuha, at pagrecover ng mga loose firearms, at we will check kung saan nila nabibili and saan nila nakukuha itong mga loose firearms na ito. And base naman sa ating isinagawang tactical debriefing o interview sa ating mga nahuhuli ay cooperative naman sila at marami silang dinivulge na information to include kung saan nila binili ang kanilang mga firearms,” dagdag ni Maranan.

Isasailalim sa cross-matching at ballistic examination ang mga nakumpiskang armas upang malaman kung nagamit ang mga ito sa insidente ng pagpatay.

Sa rekord, limang shooting incidents sa Cebu City agn posibleng kinasangkutan ng mga grupong ito.

“We will continue to conduct operations to finally neutralize these gun-for-hire groups.”

Kung hindi naaresto ang mga suspek na ito ay posibleng magamit pa ito sa eleksyon.

“That is very possible sapagkat itong grupo na ito operates by getting money sa kanilang mga bosses, syempre pagka merong offer ng pera, regardless of whatever the purpose is, gagawin nila yun,” ani Maranan.

“Ang ating mensahe sa mga criminal groups ay itigil na nila ang kanilang ginagawang niyan sapagkat ang police ng Region 7 kailanman ay hindi titigil sa pagganap ng aming tungkulin, kayo ay aming hahanapin, hahabulin, aarestuhin, at sisiguraduhin namin na makukulong kayo.” RNT/JGC