Home ENTERTAINMENT Cristine, naka-move on na, may ipinalit na kay Marco!

Cristine, naka-move on na, may ipinalit na kay Marco!

Manila, Philippines – May umalis, may dumating.

Pamagat ito ng isang 70s drama film na angkop gamitin sa takbo ng buhay ngayon ni Cristine Reyes.

Hindi lingid sa kaalaman ng balana na off na o hiwalay na sina Cristine at Marco Gumabao.

Naipahiwatig na ito ng ate ng aktres na si Ara Mina sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda.

Matatandaang pumutok ang isyu ng paghihiwalay nina Cristine at Marco shortly after the May 12 elections.

Hindi malinaw ang ugat ng kanilang sudden breakup.

But the good news is that–naka-move on na raw si Cristine.

Ito ang tiniyak ng programang Showbiz Updates ina Ogie Diaz.

Sabi nga, ang lunas daw sa isang sugatang puso mula sa kabiguan ay panibagong pag-ibig.

In Cristine’s case, bagong inspirasyon daw ang maaaring itawag sa lalaking kasa-kasama niya lately.

Ang tanong–ang dating chairman ba ng National Youth Commission na si Gio Tiongson ang ipinalit ni Cristine kay Marco?

Speaking of Gio, he served as the campaign strategist of Senator-elect Bam Aquino.

Ayon sa tsika nina Ogie, may larawan kung saan nakapulupot si Cristine sa braso ni Gio.

Sa ngayon, Cristine has yet to confirm kung sila na nga. Ronnie Carrasco IIi