Home ENTERTAINMENT Cristy, nagreak sa ‘tumataas na lebel’ ng demanda!

Cristy, nagreak sa ‘tumataas na lebel’ ng demanda!

86
0

Manila, Philippines- Cristy Fermin would rather humor the situation she’s in, at the same time magpakatotoo.

Mismong si Cristy na kasi ang nagbiro na pataas daw nang pataas ang lebel ng mga nagdedemanda sa kanya.

Kung matatandaan, nito lang Marso ay sinampahan siya ng demanda ni Esther, ina ni Sarah Lahbati.

Not long after, nito namang May ay sinundan ito ni Bea Alonzo.

Both cyber libel cases were filed at a Quezon City court.

At nito ngang May 10, nagtungo naman ang mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa Makati City Prosecutor’s Office to charge Cristy with the same case.

“There’s so much unfairness!” himutok ng Megastar dahil apektado na rin daw ang kanyang mga anak.

Cristy–on her program–saw this as an opportunity to inject humor.

Tanong niya mismo, sino raw ang posibleng sumunod: si Julia Roberts na?

Sa seryosong pagtalakay, nauunawaan naman daw ni Cristy ang pinanggagalingan ng mga personalidad na nagsampa sa kanya ng demanda.

Gaagas pang sabihin nang paulit-ulit, ang ganitong scenario ay kakambal na ng trabaho ng isang mamamahayag.

Short of saying, it comes with the territory.

‘Yun din daw ang lagi niyang ipinaaalala sa kanyang mga anak.

Ikahiya raw siya bilang magulang ng mga ito kung siya’y sangkot sa pagnanakaw o human trafficking. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here