Home ENTERTAINMENT Cristy, sinagot ang tanong kung galit kay Ai Ai!

Cristy, sinagot ang tanong kung galit kay Ai Ai!

Manila, Philippines- Umaalingawngaw ang tanong ng kanyang mga program listeners: galit nga ba si Cristy Fermin kay Ai Ai de las Alas?

Ang tanong ay bunsod ng malimit na pagpitik ni Cristy sa Comedy Queen.

Sa kanyang palatuntunang Cristy Ferminute, sinagot ng host ang nasabing katanungan.

Aniya, hindi raw akmang gamitin ang terminong galit.

Sa kanyang puso raw kasi ay walang nananahang galit para kay Ai Ai.

Ang angkop daw na salita para ilarawan ang kanyang nararamdaman ay “nalulungkot.”

Paliwanag ni Cristy, nalulungkot siya sa tila epekto ng mga banat ni Ai Ai laban sa kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan.

Ang lahat daw kasi ng mga birada ni Ai Ai ay nagbu-boomerang mismo sa kanyang sarili.

Dagdag ni Cristy, hindi raw siya maaaring magalit kay Ai Ai sa tagal na rin ng panahong kilala niya ito.

Ang kay Cristy, tanggapin na lang daw sana ng komedyana ang katotohanang hiniwalayan siya ni Gerald.

Sa patuloy daw kasing pag-atake ni Ai Ai ay nagmumukha lang siyang bitter sa paningin ng publiko.

In a separate item, ganito rin ang pananaw ni Lolit Solis kay Ai Ai.

Wala rin daw iniwan si Ai Ai kay Pokwang na hanggang ngayo’y bitter pa rin matapos ang relasyon nila ni Lee O’Brian. Ronnie Carrasco III