Home NATIONWIDE Critical thinking ng mga estudyante solusyon vs ‘AI fakes’ – DepEd

Critical thinking ng mga estudyante solusyon vs ‘AI fakes’ – DepEd

MANILA, Philippines – Iginiit ni Education Secretary Sonny Angara ang pangangailangan na palakasin ang critical thinking skills ng mga estudyante para labanan ang AI-generated ‘fakes’ online.

“Magaling talaga ang AI. So, kailangan maingat ang tao ngayon. Kailangang maging mapanuri at iyan ay gusto rin naming ituro sa eskwelahan. Iyan ay bahagi ng tinatawag nating critical thinking,” sinabi ni Angara sa isang ambush interview nitong Miyerkules, Hunyo 18.

Samantala, pinagsisikapan na ng Department of Education (DepEd) ang paglikha ng dedicated AI research center para tulungan ang mga mag-aaral na Filipino na maunawaan ang mabilis na ebolusyon ng digital landscape.

“Hindi mo dapat bibigyan ng AI kung di pa siya marunong magbasa. Unahin muna ang pagbabasa,” ayon pa kay Angara.

Idinagdag pa niya na ang AI ay ginagamit na rin sa mga paaralan sa pamamagitan ng mga platform gaya ng Khanmigo na nagpapadali sa lesson planning ng mga guro.

“Yung dati, dalawang araw, isang oras gawanan niya yung buong lesson plan,” aniya.

 “We (also) gave AI tutor to our teachers also so they can check if what they’re teaching is correct. They can check themselves,” dagdag ni Angara.

Ang pagsusulong ng DepEd ay kasabay ng lumalagong mga pangamba sa misinformation at disinformation campaigns dahil sa AI-generated content. RNT/JGC