Home HOME BANNER STORY Registration ng Duterte Youth kinansela ng Comelec

Registration ng Duterte Youth kinansela ng Comelec

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) ang kanselasyon sa registration ng Duterte Youth Party-list.

Sa resulta ng deliberasyon ng Comelec second division, 2-1 ang resulta para sa kanselasyon ng kanilang registration.

Gayunman, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na bagamat ito ang naging desisyon –may remedyo pa at hindi pa pinal dahil maaari pa silang maghain ng motion for reconsideration (MR) para maresolba ng en banc.

May limang araw naman ang Duterte Youth Party-list para maghain ng apela sa Comelec en banc.

Wala pang epekto ang kanselasyon ng registration ng Duterte Youth sa kanilang pagkapanalo kung saan nakakuha sila ng tatlong pwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa katatapos lamang na 2025 national and local elections noong Mayo 12, 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden