Home HOME BANNER STORY Crowd estimate sa rally ng INC sa Maynila, 14.5K na!

Crowd estimate sa rally ng INC sa Maynila, 14.5K na!

296
0

MANILA, Philippines – Unti-unti nang dumarating sa Quirino Granstand ang mga tagasuporta ng Iglesia ni Cristo at makikisa para sa kanilang Transparency and a Better Democracy laban sa korapsyon na nangyayari ngayon sa bansa.

Ngayong umaga, ang estimate crowd ay humigit-kumulang 14,500 na dumagsa simula alas-8 ng umaga.

Upang mapanatili naman ang kaayusan sa peace rally, nagdeploy ng mahigit 16,000 kapulisan sa buong National Capital Region (NCR) .

Bandang alas-4 pa ng hapon magsisimula ang programa ng INC para sa peace rally ngunit umaga pa lamang ay nakikita na ang pagkapal ng tao sa Quirino Grandstand.

Asahan naman na mas lalo pang dadami ang sasama sa tatlong araw na peace rally hindi lamang mga kasapi ng INC kundi mula sa ibat-ibang sektor, mga indibidwal kasunod ng mga ibinunyag ni dating Ako Bicol Party-list Rep.Zaldy Co. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here