MANILA, Philippines – Magdaraos ng necrological service ang mga senador para kay yumaong dating Senate President Juan Ponce Enrile sa Nobyembre 19.
Ang necrological service ay magsisimula alas-9 ng umaga at sinabing “only invited guests and authorized personnel” are permitted admission into the Session Hall.
Bago nito, isasagawa ang arrival honors para sa kabaong laman ang labi ni Enrile, 8:45 ng umaga.
Nauna nang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kung nanaisin ng pamilya ni Enrile ay magsasagawa ng necrological services ang Senado para sa kanya.
Matatandaan na pumanaw na si Enrile noong Huwebes sa edad na 101 dahil sa pneumonia.
Siya ay nagsilbi ng apat na termino sa Senado kung saan pinamunuan niya ito mula 2008 hanggang 2013. RNT/JGC