Home NATIONWIDE QC LGU naglabas ng traffic advisory para sa Nob. 16-18 rally

QC LGU naglabas ng traffic advisory para sa Nob. 16-18 rally

306
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Quezon City government nitong Sabado, Nobyembre 15 ng traffic advisory para sa mga motorista bago ang inaasahang anti-corruption protest ng United People’s Initiative (UPI) mula Nobyembre 16 hanggang 18.

Sinabi ng QC LGU na inaasahang ang traffic congestion sa mga sumusunod na lugar:

EDSA
Katipunan Avenue
Ortigas Avenue
White Plains Avenue
Temple Drive

Pansamantalang isasara ang bahagi ng White Plains Avenue sa EDSA at Katipunan Avenue ngayong araw ng Linggo, Nobyembre 16.

“Nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, at Quezon City Police District (QCPD) para matiyak ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar,” saad sa abiso.

“Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta,” dagdag pa.

Nauna na ring nag-anunsyo ng Manila City government ng road closures sa Luneta Park, Mendiola, Liwasang Bonifacio, at Ayala Bridge sa panahon ng mga kilos-protesta.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), magtatalaga ito ng mahigit 16,000 pulis para siguruhin ang kapayapaan at kaayusan sa mga protest area.

Ang kilos-protesta ay inorganisa ng Iglesia ni Cristo sa Quirino Grandstand na inaasahang nasa 100,000 ang lalahok, habang ang kilos-protesta ng UPI sa People Power Monument at EDSA Shrine ay inaasahang makahihikayat ng 300,000 katao. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here