Home NATIONWIDE CTU-Carmen grad nanguna sa October 2025 fisheries professionals licensure exam

CTU-Carmen grad nanguna sa October 2025 fisheries professionals licensure exam

282
0

MANILA, Philippines – Nagkamit ng pinakamataas na iskor sa licensure examination para sa fisheries professionals ang graduate ng Cebu Technological University-Carmen, ayon sa Professional Regulation Commission.

Ayon sa PRC, 1,507 sa 2,165 test takers ang nakapasa sa pagsusulit na ibinigay ng Board of Fisheries sa 16 testing centers sa buong bansa noong Oktubre.

Nakamit ni Jonalyn Maestrado Dalanon ng CTU-Carmen ang iskor na 91.25% sa pinakamataas na pwesto, habang ang best performing school na may 30 test takers ay ang University of the Philippines-Visayas Iloilo City campus, kung saan nakapasa ang lahat ng examinees nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here