Home METRO Culinary school ipinasara ng DMW sa ‘illegal recruitment’

Culinary school ipinasara ng DMW sa ‘illegal recruitment’

1
0

BAGUIO CITY — Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang culinary school sa Baguio City dahil sa umano’y ilegal na recruitment ng chefs at cooks para sa trabaho sa Australia.

Ipinatupad nitong Biyernes, Setyembre 25, ang final closure order laban sa Ausphin International Institute of Culinary Arts and Business Management sa Marcos Highway.

Ayon kay DMW Migrant Workers Protection Bureau head Rommel Abbang, umano’y nangangako ang kumpanya ng sahod na P200,000 hanggang P250,000 sa Australia.

Sinisingil umano ng nasa P420,000 ang mga aplikanteng walang experience, habang nasa P95,000 naman para sa mga may karanasan.

Sinabi ng DMW na nagsagawa ito ng tatlong surveillance operation at nakumpirmang walang kinakailangang recruitment license ang culinary school, consultancy at recruitment operations ng kumpanya.

Sabay ding ipinasara ang limang opisina nito sa Baguio City, Pasig City at Mandaluyong City.

Bukod sa closure order, sinabi ng DMW na magsasampa ito ng criminal complaints para sa umano’y illegal recruitment laban sa mga opisyal at iba pang indibidwal na direktang sangkot sa operasyon.

Hinikayat naman ng ahensya ang mga estudyante o aplikanteng nagbayad matapos pangakuan ng trabaho sa Australia na magsampa ng reklamo sa DMW. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here