Home NATIONWIDE Cybercrime cases sa 2025, bumaba – PNP

Cybercrime cases sa 2025, bumaba – PNP

363
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na bumaba ang bilang ng cybercrime incidents sa 2025 dahil sa mas epektibong pagpapatupad laban sa digital fraud schemes.

Mula Enero 1 hanggang Disyembre 4, 2025, bumaba sa 1,525 ang kaso ng online selling scams mula 3,025 noong 2024. Ang investment-related scams ay bumaba mula 1,101 sa 2024 hanggang 291, hijacked profile o ID scams mula 604 hanggang 183, at vishing cases mula 589 hanggang 80.

Bagama’t bumaba ang kabuuang kaso, patuloy na nagbabago ang modus ng cybercriminals, at nananatiling mataas ang kaso ng job at task scams, online loan scams, at impersonation scams.

“Hindi titigil ang PNP. Sa 2026, lalo pa nating paiigtingin ang ating anti-cybercrime campaign. Mas pinalalakas natin ang intelligence, ang enforcement, at ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya,” sabi ni acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Binigyang-diin niya na mahalaga ang pakikibahagi ng publiko upang mapanatili ang tagumpay laban sa cybercrime. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here