Home NATIONWIDE Cybercrime cases tumaas ng 22% noong Q1 2024

Cybercrime cases tumaas ng 22% noong Q1 2024

MANILA, Philippines- Muling nagbabala ang Philippine National Police (PNP) nitong Martes sa netizens na maging maingat sa online activities sa muling pagtaas ng cybercrime cases sa unang quarter ng kasalukuyang taon.

Sa pinakabagong datos ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG), nakapagtala ito ng kabuuang 4,469 cybercrime incidents mula January hanggang March 2024, mas mataas ng 21.84 porsyento mula sa 3,668 insidente sa ika-apat na quarter ng 2023.

Sinabi ni ACG chief Maj. Gen. Sidney Hernia na nanguna ang online selling scams sa listahan ng cybercrimes sa 990, sinundan ng 319 kaso ng investment scams at 309 kaso ng debit/credit card fraud.

Inihayag ng opisyal na maiuugnay ang pagdami ng cybercrime incidents sa increased online activity, “sophisticated” tactics ng cybercriminals, at kakulangan ng kaalaman.

Base kay Hernia, lumikha ang umiigting na pagdepende sa online platforms para sa pamimili, financial transactions, at investment opportunities ng mas maraming potensyal na target para sa cybercriminals.

“As cybercriminals continuously refine their tactics, there is a pressing need for individuals to educate themselves about cybercrimes. Stay informed by actively reading, listening to, and watching news coverage on cybercrimes. Familiarizing yourself with the red flags in online transactions is important for safeguarding against potential scams and frauds,” ani ACG chief.

Ipagpapatuloy umano ng PNP ang pagsasagawa ng komprehensibong mga pagsasanay, seminar, at lecture para sa mga tauhang nakatalaga sa cybercrime desks upang hasain ang kanilang kakayahan upang matiyak ang mas ligtas na online environment. RNT/SA