Home METRO P82K shabu buking sa motorbanca

P82K shabu buking sa motorbanca

MANILA, Philippines- Nasamsam ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang nasa ₱82,000 halaga ng ilegal na droga sa isang motorbanca sa Port of Corcuera sa Romblon.

Ayon sa Coast Guard District Southern Tagalog, bago ang pakakadiskubre ay isang tip ang natanggap ng MPS Corcuera na nagresulta sa joint anti-illegal drug operation, hinggil sa ilegal na aktibidad ng isang sasakyang pandagat na “Famaz Doz” na may lulang balikbayan box at may nakatagong hinihinalang shabu habang nakadaong ito sa pantalan.

Nang siyasatin, nagpakita ito ng positibong inidikasyon kay Lilian, Coast Guard Working Dog (CGWD), saka tumambad ang dalawang plastic sachet na may bigat na 9.5 gramo kada isa ng ilegal na droga.

Nasa kustodiya na ng Municipal Police Station (MPS) Corcuera ang nasamsam na droga bilang protocol, at ikinakasa na ang kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga salarin. Jocelyn Tabangcura-Domenden