Home NATIONWIDE Cyberlibel Law nais ipa-decriminalize

Cyberlibel Law nais ipa-decriminalize

MANILA, Philippines – Idinulog sa Korte Suprema ni dating Partylist Representative Walden Bello ang Cyberlibel Law o Republic Act 10175.

Nakasaad sa petisyon ni Bello na i-decriminalize ang cyberlibel law at lahat ng libel law sa bansa.

Ang kahilingan ni Bello ay nag-ugat sa kinakaharap na kasong cyberlibel na isinampa ni Jefry Tupas, dating information officer ni Vice President Sara Duterte

Ayon kay Bello, nabanggit aniya sa isang Facebook post na si Tupas ay sinasabing sangkot sa illegal drugs, statement na aniya ay nabasa lamang niya sa isang newspaper, at hindi naman siya ang pinanggalingan ng nasabing alegasyon.

Kaugnay nito, hiniling ng dating mambabatas na muling tignan ng Korte Suprema ang criminal libel at cyberlibel law dahil nagagamit lamang ang naturang batas upang sikilin ang freedom of expression ng mga mamamayan.

Nais ni Bello na bawiin o i-revoke ng Korte Suprema ang criminal libel at cyber-libel laws sa bansa.

Iginiit din ni Bello na bawiin ng Korte ang cyberlibel at criminal libel lalo na at hindi nararapat ang parusang pagkakulong sa mga individual na kinakasuhan ng libelo. Teresa Tavares