Home NATIONWIDE Czech inimbitahan ni PBBM na bumisita sa Pilipinas

Czech inimbitahan ni PBBM na bumisita sa Pilipinas

MANILA, Philippines – NILIGAWAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga mamamayan ng Czech Republic na bisitahin ang Pilipinas at maranasan ang hospitality o kagandahang-loob ng mga Filipino.

Sa kanyang bilateral meeting kasama si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, binanggit ni Pangulong Marcos ang regional airports na na-develop at upgraded para itaas ang accessibility sa mga local tourist destinations.

“Hopefully, we will see more of your citizens coming to the Philippines. And I can see that this is an area that will continue to increase for us. it’s very happy to welcome friends, come, visit the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We take pride in the Filipino hospitality, and we take pride in our beautiful country, as in, of course, you do. But that’s why I think that this is a third time, an area of third time development,” dagdag na wika ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na kinokonsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang sektor ng turismo bilang malaking bahagi sa muling pagbuhay sa ekonomiya matapos ang COVID-19 pandemic.

Idinagdag pa ni Pangulong Marcos na ang Czech Republic ay naging mahalaga ring tourist destination para sa mga Filipino.

Maliban sa pinalakas na “people-to-people exchanges”, nanawagan si Pangulong Marcos sa mga kompanya ng Czech na magpartisipa sa infrastructure development ng Pilipinas lalo na sa konstruksyon ng ‘gateways’ ng bansa. Kris Jose

Previous articleRussian national at 2 pa arestado sa drug den
Next articleMas maraming ugnayan sa Czech sa cybersecurity, target ni PBBM