Home METRO Russian national at 2 pa arestado sa drug den

Russian national at 2 pa arestado sa drug den

BOHOL- NADAKIP ng mga awtoridad ang isang Russian national at dalawang iba pa matapos salakayin ang hinihinalang drug den nitong Martes, Marso 13 sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga nadakip na sina Viktor Tutov, 38, Russian national, Chun Jen Panis, 33, at maintener na si Castor Bangco, 36, kapwa pintor at residente ng Purok 6, Barangay Basdio, Loon, Bohol.

Sa pinagsamang operasyon ng PDEA-Bohol, PDEU, Bohol MARPSTA, NAVFORCEN at Loon PNP, bandang 5:44 PM nang salakayin ang drug den sa nasabing lugar.

Nakuha sa mga suspek ang 8 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may 12 gramo ang bigat na market value na aabot sa halagang P240,000,00, mga drug paraphernalia, at iba’t ibang identification card.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico

Previous articlePanunumpa ng mga bagong promote na BJMP officials pinasinayaan
Next articleCzech inimbitahan ni PBBM na bumisita sa Pilipinas