Home HOME BANNER STORY DA chief: Presyo ng bigas ‘di pa bababa ‘gang Hulyo

DA chief: Presyo ng bigas ‘di pa bababa ‘gang Hulyo

MANILA, Philippines — Sinabi ni Agriculture chief Francisco Tiu Laurel na hindi niya inaasahang bababa ang lokal na presyo ng bigas hanggang Hunyo o Hulyo dahil sa patuloy na ban ng India sa pag-import ng bigas.

“It’s very hard to make estimates now, ang problema sa rice industry of the world, while bumaba na nang konti ang world market price, ang India meron pa rin silang export ban sa mundo sa bigas,” ani Laurel sa isang televised briefing.

“So until itong export ban nila ay ma-lift, I think itong prices will not yet drop considerably,” giit pa niya.

Sinabi rin ni Laurel na sa kabila ng patuloy na panahon ng pag-aani, nanatiling “mataas” ang presyo ng palay na binili ng mga mangangalakal ng palay. Santi Celario