Home NATIONWIDE DA: Commercial rollout ng ASF vsx inaasahan sa pagtatapos ng taon

DA: Commercial rollout ng ASF vsx inaasahan sa pagtatapos ng taon

MANILA, Philippines- Umaasa ang Department of Agriculture na malapit nang masimulan ang commercial rollout ng African Swine Fever (ASF) vaccine sa Pilipinas.

Ani DA spokesperson Asec. Arnel De Mesa, inaasahan nilang aaprubahan ng Food and Drug Administration ang commercial release ng bakuna bago matapos ang taon.

“Sa ngayon po, ang inaprubahan lang ng FDA ‘yung tinatawag na monitored release nitong bakuna kung saan ay gobyerno pa lang po ang tanging pwedeng gumamit. ‘Pag commercial ay pwede na po sa general public,” paliwanag ni De Mesa.

Matatandaang nag-suplay ang pamahalaan ng 10,000 ASF bakuna sa Batangas na inaasahan ng ahensya na magagamit sa ikatlong linggo ng Nobyembre.

“In-open up na natin sa commercial farms at semi-commercial farms itong pagpapabakuna and ine-expect natin bago matapos ang taon ay maaprubahan ng FDA ‘yung tinagtawag na commercial approval,” dagdag ng opisyal. RNT/SA