Home NATIONWIDE DA posibleng mangailangan ng P40B dagdag na pondo ‘pag nagtuloy krisis sa...

DA posibleng mangailangan ng P40B dagdag na pondo ‘pag nagtuloy krisis sa langis

100
0

MANILA, Philippines – MAAARING mangailangan ang Department of Agriculture (DA) ng karagdagang P40 billion na pondo kapag nagpatuloy ang krisis sa langis sa bansa.

Isiniwalat ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na kapag tumaas ang presyo ng fuel, mayroon lamang itong P150 million fund fuel subsidy at P10 billion Presidential Assistance to Farmers and Fishermen para gamitin.

“That’s all our money… but we can provide the additional money we’re asking for if we have the funds.,” ang sinabi ng Kalihim.

Inihayag nito kung saan ilalagay ang karagdagang pondo. Aniya, ang karagdagang pondo para sa mga magsasaka lamang ay aabot na sa P30 billion para sa fertilizers, at seeds bukod sa iba pa at panibagong P10 billion para suportahan ang mga mangingisda.

“Our fertilizer fund, eh, now it’s only half, so we need to make that P20 billion, plus the seeds, plus the others. So we need an additional P20 billion maybe just for rice farmers, plus the others so totally P30 billion plus P10 billion for fisherfolk,” ang paliwanag ni Tiu Laurel. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here