Home NATIONWIDE Dadalo sa INC rally, dadami pa sa Miyerkoles – NCRPO

Dadalo sa INC rally, dadami pa sa Miyerkoles – NCRPO

1
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mas malaking bilang ng mga dadalo sa ikalawang araw ng rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA People Power Monument sa Quezon City matapos makakuha ng permit ang mga organizer.

“Posible pong maabot yung dami tulad kahapon at dahil meron na silang permit, baka mas marami na po silang miyembro na dumalo,” ayon kay NCRPO spokesperson Police Major Hazel Asilo.

Umabot sa tinatayang 15,500 ang bilang ng mga dumalo sa rally noong Martes. Pagsapit naman ng alas-6 ng umaga ng Miyerkoles, tinatayang nasa 5,000 na ang mga raliyista sa lugar, ayon sa Quezon City Police District.

Inaprubahan ng Quezon City government ang permit para sa rally mula alas-8 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi sa kahabaan ng White Plains Avenue hanggang Temple Drive.

“Since meron nakuha na po sila permit kahapon, agad na po tayo nakapag prepare ng mga dapat gawin. Sa daloy ng trapiko nagkaron na tayo ng koordinasyon sa MMDA na mag clear ng daan sa EDSA,” ani Asilo.

Nag-deploy ang NCRPO ng humigit-kumulang 3,000 pulis upang tiyakin ang kaayusan at seguridad sa isinagawang rally. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here