ANG guro ay kinatawan ng lipunan na nagtuturo ng mga aral sa moralidad.
Sa pag-unlad ng isang bansa, mahalagang bigyang-pansin ang edukasyon, pagkatuto, at mabuting asal, at wala nang mas angkop na makatutulong sa prosesong ito kundi ang mapagpakumbabang guro.
Sa laki ng ginagampanang trabaho at responsibilidad ay naniniwala si dating Malabon Mayor Antolin “Lenlen” Oreta lll na dapat magkaroon ng inisyatibo para sa pagkakaroon ng panukalang naglalayong magbigay ng karagdagang benepisyo sa mga guro.
Prayoridad ng three-term city executive ang ganitong hakbangin at nangakong susuportahan ang mga guro kung siya ay mahahalal bilang kongresista ng lone district ng Malabon.
Ayon sa long-time public servant, iparerepaso niya ang Salary Standardization Law upang matiyak na sapat ang sweldo ng mga guro.
Gagarantiyahan din ni Oreta na mapalalawak ang mga benepisyo ng mga guro, lalo na sa larangan ng kalusugan.
Binigyang-diin nito na dapat nang matigil ang patuloy na pag-aabono ng mga guro na kadalasan ay kinakapos din sa kanilang mga gastusin para sa pamilya.
Ayon kay Oreta, patuloy pa ring kinakaharap ng mga guro sa pampublikong paaralan ang mga problema sa kakulangan ng classrooms, pasilidad, at learning materials.
Naniniwala siya na ang de-kalidad na edukasyon ay nakasalalay sa maayos na kalagayan ng mga guro at mga paaralan.
Balak ng dating alkalde na i-modernize ang mga silid-aralan para sa mas mahusay na pagkatuto ng mga bata at palakasin ang suporta ng gobyerno para sa mga kolehiyo.






