MANILA, Philippines – HINIKAYAT ng Commission on Human Rights (CHR) ang gobyerno ng itaas ang daily food at medicine allowances sa mga persons deprived of liberty (PDLs) upang matiyak ang makataong kalagayan ng pamumuhay para sa mga ito.
Ipinahayag ng CHR ang buo nitong suporta sa panukala ng Bureau of Jail Management and Penology’s (BJMP) na itaas ang P70 daily food budget at P15 medicine budget para sa bawat PDL. Ang daily allocation ay nananatiling hind nagbabago simula noong 2022.
Ipinanukala ng BJMP ang isang daily food budget na P100 at medicine budget ng P30 kada PDL.
“The CHR respectfully urges our legislators to consider BJMP’s appeal,” ayon sa CHR “After all, the Commission believes we share the same goal: to ensure humane conditions and adequate resources for the reformation of our PDLs, as well as to treat them with dignity and respect.”
Sa pagsuporta sa panukala ni BJMP, tinukoy ng CHR ang Artikulo 7 at 10 (Part III) ng International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR), na nagsasaad na ang PDLs ay dapat na tinatrato ng makatao at may paggalang para sa diginidad ng isang indibiduwal.
Sinasabi pa nito na minandato ng Artikulo 10 na ang correctional systems ay dapat na dinisenyo para i-rehabilitate at tumulong sa reintegration ng mga bilanggo.
“As a State Party to the ICCPR, the Commission emphasizes that the State has an obligation to adhere to these international standards and fully respect the rights of all individuals, including PDLs. This responsibility entails providing sufficient funds for their basic food and medical needs,” dagdag na pahayag ng Komisyon.
Para naman sa CHR, kinumpirma nito ang kanilang commitment na itaguyod ang karapatan at kapakanan ng PDLs, dahil naniniwala ito na ang “a humane approach to incarceration is crucial to genuine rehabilitation and social reintegration.” Kris Jose