Home NATIONWIDE Dagdag-kama, pagtatayo ng mas maraming public hospital, suportado ni Sotto

Dagdag-kama, pagtatayo ng mas maraming public hospital, suportado ni Sotto

1
0

MANILA, Philippines – Inendorso ni Senate President Pro-Tempore Vicente C. Sotto III ang 13 panukalang batas mula sa Senado at Kamara na naglalayong magtatag at mag-upgrade ng mga panlalawigang ospital sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Hiniling din niyang maging co-sponsor ng mga naturang panukala.

“What I would want to do this morning is to endorse all these local bills, and if I may, be made a co-sponsor,” ani Sotto sa pagdinig sa Senado.

Kasalukuyang dinidinig ng Senate Committee on Health and Demography, kasama ang iba pang komite, ang anim na panukalang batas para sa pagpapatayo ng mga bagong ospital sa mga lalawigan ng Zambales, Davao de Oro, Zamboanga Sibugay, Capiz, at Bukidnon.

Samantala, pitong ospital sa Agusan del Norte, Bukidnon, Capiz, at Romblon ang isinusulong na ma-upgrade at muling mapasailalim sa pangangasiwa, kontrol, at pamamahala ng Department of Health.

Hinangad din ni Sotto na matiyak kung sapat ang bilang ng mga hospital bed kumpara sa dami ng mga pasyente at umaasang makatutulong ang mga panukalang batas upang mabawasan ang kakulangan sa mga ospital.

Malugod namang tinanggap ni Committee Chairperson Senator Risa Hontiveros ang pag-endorso ni Sotto sa mga panukala.

“Thank you very much, SP Pro Temp. Wala nang mas masaya pa kung hindi co-sponsor kayo sa mga bills ng Committee on Health and Demography,” ani Hontiveros.

Ayon kay Sotto, mahalagang maisulong ang mga panukalang ito upang mas mapalawak ang access ng mga Pilipino sa dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here