“Dagdagan pa!”
Ito ang hirit ni AGRI Party-list Representative at Senatorial aspirant Manoy Wilbert Lee matapos ang inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na pagtataas sa mga benefit packages nito, kabilang na ang ibinida nitong 50% increase sa coverage sa 9,000 na case rates o mga sakit.







