Home NATIONWIDE Dagdag P300M badyet target ng PBBM admin sa pagkumpleto sa Bukidnon airport...

Dagdag P300M badyet target ng PBBM admin sa pagkumpleto sa Bukidnon airport sa 2027

1
0

MANILA, Philippines – HANGAD ng administrasyong Marcos na magkaroon ng karagdagang P300 milyon sa ilalim ng panukalang 2027 national budget para makompleto ang Bukidnon Airport sa bayan ng Don Carlos sa susunod na taon.

Ang pahayag na ito ng Office of the Executive Secretary (OES), araw ng Sabado, ay matapos inspeksyunin ni Executive Secretary Ralph Recto ang nagpapatuloy na konstruksyon ng ariport sa Barangay Maraymaray, araw ng Biyernes.

Sa isinagawang site inspection, binigyang diin ni Recto ang naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kompletuhin ang long-awaited project at simulan ang operasyon nito sa 2027.

“President Marcos wants the Bukidnon Airport completed by 2027 so it can begin creating jobs, attracting investments and bringing more tourists to the province,” ayon kay Recto.

“This airport will bring not only Bukidnon, but the whole Mindanao, closer to the rest of the Philippines and the rest of the country closer to the heart of Mindanao. It will allow people, products, and opportunities to move faster,” aniya pa rin.

Dahil sa panukalang alokasyon, ang kabuuang pondo para sa paliparan ay magiging P1.66 billion, mula P1.36 billion na inilaan simula 2022.

Ang airport ay nakatanggap ng P3.17 billion sa kabuuang government funding.

Sa ilalim ng Marcos administration, P1 billion ang inilaan para sa Phase IV para sa development ng ariport noong 2022, sumunod ang P310 million noong 2024 at P50 million noong 2025.

Winika ni Recto na ang airport ay maaaring mag-accommodate ng mas malaking aircraft, maaaring makatulong na makahikayat ng mas maraming ‘flights at airlines at potensiyal na mas maging affordable ang air travel.

Ani Recto, mapalalakas ng airport ang papel ng Bukidnon bilang isang major agricultural producer sa pamamagitan ng mapadali at mapagaan ang galaw ng mga produkto gaya ng pinya, saging, mais, kape, asukal at livestock.

“Airports do more than connect destinations,” ayon kay Recto sabay sabing “They connect businesses to customers and communities to jobs, investments, and essential services.”

Ang bagong paliparan ay dinisenyo para i-accommodate ang jet aircraft at bigyan ang Bukidnon na may direktang air connectivity sa major economic at tourism centers sa ibang bahagi ng bansa.

Kabilang sa pasilidad nito ang 2,100-meter-long at 45-meter-wide runway, dalawang stub taxiways, at 43,050-square-meter apron na kayang mag-accommodate ng anim na aircraft.

Kabilang din sa proyekto ang 3,600-square-meter passenger terminal building na maaaring magsilbi ng hanggang 425 pasahero, isang 2,500-meter runway strip, airport ancillary structures at air navigation facilities.

Ang runway ay dinisensyo para makapag- accommodate ng mas malaking commercial aircraft, gaya ng Airbus A320, karaniwang tinatawag na domestic routes.

“If we can accommodate bigger aircraft and attract more flights and airlines, that can help bring fares down and make air travel more affordable for ordinary Filipinos,”ayon kay Recto. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here