Home NATIONWIDE Dagdag-pondo sa DepEd itinutulak ni PBBM

Dagdag-pondo sa DepEd itinutulak ni PBBM

MANILA, Philippines – ITINUTULAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas mataas na pondo para sa sektor ng edukasyon kasunod ng pagtapyas sa budget ng Department of Education’s (DepEd) at kakulangan ng pondo para sa Technical Education and Skills Development Authority’s (TESDA) programs para sa 2025.

Sa Isang pulong kasama ang mga opisyal ng DepEd sa Palasyo ng Malakanyang sa Maynila para repasuhin ang kanilang 2025 budget, araw ng Huwebes, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na lagyan ng premium ang education sector.
“We have to be able to show that that’s (education) the priority,” ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO).

Sinabihan si Pangulong Marcos sa miting na ang pagtapyas sa 2025 budget ng DepEd ay maaaring magpalala sa problema ng bansa ukol sa kakapusan ng mga guro.

Inaprubahan lang kasi ng Kongreso ang P737 billion budget para sa DepEd, mas mababa kaysa sa panukala ng departamento na P748 billion appropriations para sa 2025.

Tinapyasan ng Kongreso ang alokasyon para sa paglikha ng bagong school personnel positions, ang Basic Education Facilities Fund (BEFF), at implementasyon ng DepEd Computerization Program (DCP).

“The lower budget for new school personnel positions would “exacerbate the teacher shortage,” adding that the requirement from previous years remains partly addressed, further compromising the delivery of quality education,” ayon sa DepEd.

Sinabi pa rin ng departamento na ipinanukala nito ang P12.379 billion para sa DCP nito subalit binigyan lamang ng P2.43 billion.

Bilang resulta, napilitan ang DepEd na kanselahin ang P4 billion mula sa P7 billion na halaga ng DCP projects na sumasailalim na sa ‘early procurement activities.’

Ang pagkabawas ay makaaapekto sa paghahatid ng ‘much-needed learner at teacher tools’ gaya ng laptops, smart TVs, at satellite-based Internet.

Sinabi pa nito na ang binawasang BEFF ay magiging hadlang sa konstruksyon ng school buildings.

Suportado rin ni Pangulong Marcos ang plano ng TESDA na pag-aralan ang mga opsyon para sa pagpopindo ng mga unfunded programs.

Habang ang budget ng TESDA ay tumaas ng P20.73 billion sa 2025 General Appropriations Act (GAA) mula sa panukalang P18.5 billion sa 2025 National Expenditure Program (NEP), may ilang mahahalagang programa ang hindi napondohan ngyaong taon.

Kasama sa mga unfunded programs ay ang paglikha ng Enterprise-based Training Office at pagtatatag ng bagong tanggapan para sa Negros Island Region. Kris Jose