Sa Spisska Stara Ves, Slovakia, isang 18-taong-gulang na estudyante ang pumatay ng kapwa estudyante at guro sa isang stabbing sa paaralan noong Huwebes, at ikinasugat pa ang isa pang estudyante.
Ang dalawang biktimang babae, 18 at 51-taong-gulang, ay nasawi, habang ang isa pang estudyante ay nasa seryosong kondisyon ngunit stable. Ang guro na pumanaw ay ang deputy headmistress ng paaralan.
Kaagad na nahuli ang suspek pagkatapos ng insidente sa isang kagubatan malapit sa bayan. Inilarawan siya bilang estudyante na bagong lipat sa paaralan matapos mapatalsik mula sa isa pang paaralan dahil sa banta ng pananakit.
Ang atake ay nangyari habang klase, at ilan pang tao ang nagtamo ng sugat.
Kinondena ni Pangulong Peter Pellegrini ang insidente, at sinabi niyang walang lugar ang karahasan sa lipunan. Ang trahedya ay sumunod sa isang insidente noong 2020 kung saan isang guro ang napatay sa stabbing sa isang elementarya sa Slovakia. RNT