MANILA, Philippines- Madadagdagan ang bayad para sa liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Pebrero, kasunod ng rollback kasunod ng rollback na ipinatupad noong nakaraang buwan.
Sa abiso, sinabi ng Petron Corp. na dadagdagan nito ang presyo ng LPG ng P0.70 per kilogram epektibo ngayong Sabado, alas-12:01 ng madaling araw.
“This reflects the international contract price of LPG for the month of February,” saad sa abiso.
Ipinagbigay-alam din ng Solane sa mga kustomer nito ang pagtataas ng LPG prices ng P0.73 per kilogram epektibo sa parehong araw subalit alas-6 ng umaga.
Karaniwang inaanunsyo ng retailers ang LPG price adjustments sa pagtatapos ng buwan, na ipinatutupad sa unang araw ng kasunod na buwan. RNT/SA