MANILA, Philippines – Posibleng maaprubahan na ang dagdag-sweldo ng mga manggagawa ng Cordillera Administrative Region at MIMAROPA bago matapos ang taon, ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa year-end press briefing.
Ayon kay Laguesma, nasa final review na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang usapin.
Sinabi pa ng kalihim na bago matapos ang December 2024 ay maaaring ilabas na ang desisyon ng board kaugnay sa dagdag-umento.
Hindi naman binanggit ni Laguesma kung magkano ang dagdag-sweldo para sa dalawang rehiyon.
Samantala, hindi naman agad maipapatupad ang dagdag-sweldo sa Bicol Region dahil mismong mga empleyado daw ang humiling na huwag muna itong pag-usapan bilang tulong na rin nila sa employers na matinding naapektuhan ng magkakasunod na bagyo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)