Home METRO 100 katao arestado sa SACLEO sa Isabela

100 katao arestado sa SACLEO sa Isabela

169
0

SAN GUILLERMO, Isabela – Umabot 100 katao ang naaresto ng mga kapulisan sa pitong (7) araw na inikasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa magkakahiwalay na bayan dito sa probinsya ng Isabela.

Sa ipinarating na datos kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa ipinatupad na SACLEO mula nitong Nobyembre 22 hangang Nobyembre 28, 2024 ay umabot sa 100 katao ang lumabag sa batas.

Sa mga nahuling wanted sa batas, nasa dalawa (2) ang nasakoteng Top Most Wanted person habang nasa 35 naman ang nahuli na iba pang wanted sa batas.

Pito (7) ang naaresto sa Illegal Gambling, isa (1) sa illegal logging, isa (1) sa illegal fishing, isa (1) rin ang nahuli dahil sa pag-iingat ng pampasabog.

Mula naman sa ikinasang 55 na kampanya kontra loose firearms, nasa labindalawang (12) baril ang isinuko at idiniposito sa himpilan ng pulisya.

Nasa 43 naman ang nahuli na lumabag sa batas trapiko habang nasa 729 naman ang napatawan ng parusa dahil sa paglabag sa mga local ordinance samantalang nasa 263 naman ang binigyan ng warning o babala.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni PCol. Bauding ang kanyang kapulisan sa pagtalima sa paghuli sa mga nagkasala sa batas para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa naturang lalawigan. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here