Home METRO Dagupan City isinailalim sa State of Calamity dahil sa malawakang baha

Dagupan City isinailalim sa State of Calamity dahil sa malawakang baha

1
0

DAGUPAN CITY, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang lungsod ng Dagupan matapos ang malawakang pagbaha na nakaapekto sa libo-libong residente.

Ayon sa ulat, 23 barangay ang lubog sa baha dahil sa matinding pag-ulan, at 22,047 pamilya o 90,015 residente mula sa 31 barangay ang naapektuhan.

May 65 pamilya o 202 katao ang inilikas bilang pag-iingat at pansamantalang nananatili sa anim na evacuation center.

Dahil sa tindi ng baha, hindi na madaanan ng mga magagaang sasakyan ang ilang pangunahing kalsada, at pitong magkakasunod na araw nang suspendido ang klase sa lahat ng antas.

Batay sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang Resolution No. 209-2026 upang mapabilis ang pagpapalabas ng pondo para sa relief, response, rehabilitasyon, at iba pang agarang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Kasama rin sa deklarasyon ang price control sa mga pangunahing bilihin at mahahalagang produkto, at mahigpit na pagbabantay laban sa overpricing, profiteering, at hoarding.

Patuloy na minomonitor ng pamahalaang lungsod ang sitwasyon sa bawat barangay. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here