Home METRO PDEA agent dedbol, 3 marino sugatan sa anti-drug ops sa Tawi-Tawi

PDEA agent dedbol, 3 marino sugatan sa anti-drug ops sa Tawi-Tawi

1
0

TAWI-TAWI, Philippines – Napatay ang isang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent at tatlong Marino ang nasugatan sa isang anti-illegal drug operation sa Barangay Paniogan, Bongao, Tawi-Tawi noong Linggo, Agosto 9.

Target ng operasyon si Jimhar Jawadi, alyas “Boss M,” isang dating miyembro ng Abu Sayyaf at itinuturing na high-value drug target, kasama ang tatlo pang high-value individuals.

Ayon sa ulat, pinaputukan ni Jawadi at ng kanyang mga kasamahan ang mga tauhan ng PDEA Tawi-Tawi, Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, at Marine Battalion Landing Team 4, na nagsisilbi ng warrant of arrest laban sa kanila.

Nasawi ang 29-anyos na PDEA-BAR intelligence agent na si Enfernie Jim Dayag, na tubong Cordillera Administrative Region at sumali sa PDEA noong 2024.

Sugatan naman ang mga Marinong sina Corporal Gideon Buenaventura, Corporal Levie Lumay, at Lt. Col. Richard Malabanan, ang battalion commander. Si Malabanan ay tinamaan ng bala sa ulo at inilipad sa Zamboanga City para sa gamutan.

Napatay rin si Jawadi sa gitna ng palitan ng putok.

Narekober ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱1.8 milyon at iba’t ibang baril.

Patuloy ang manhunt operation laban sa mga kasamahan ng mga suspek na nakatakas, habang nagpapatuloy rin ang follow-up investigation ng pulisya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here