Home NATIONWIDE Daily transaction limit ng GCash nilimitahan vs vote buying

Daily transaction limit ng GCash nilimitahan vs vote buying

MANILA, Philippines – Nagpatupad ng pansamantalang limit sa arawang transaksyon ang GCash sa “Express Send” at “Send via QR” nito para labanan ang vote-buying sa papalapit na eleksyon.

Sa abiso, sinabi ng GCash na ang daily transaction limit ay ipatutupad hanggang Mayo 12, 2025.

Magbabalik naman ang normal na transaksyon sa araw matapos ang halalan o sa Mayo 13, 2025.

“Ang mga hakbang na ito ay para sa patas at ligtas na halalan. Sa pagpigil sa financial influence sa boto ng mga tao, masisigurong tunay na boses ng mamamayan ang resulta ng eleksyon,” ayon sa GCash.

“Babantayan ng GCash ang mga transactions para matiyak na hindi ito ginagamit sa ilegal na election activities,” dagdag pa.

“Any unusual transaction flow between accounts, digital banking and digital wallets, including unusual large cash withdrawals involving the amount exceeding P500,000, encashment of checks, during election period, which have no underlying legal/trade obligation, purpose or economic justification or the amount involved is not commensurate with the business or financial profile of the client, shall be considered suspicious transactions of vote buying and vote selling,” saad sa Resolution 11104 ng Commission on Elections (Comelec).

Nauna nang sinabi ng Comelec na magpapatupad ito ng mas mahigpit na pamamaraan para labanan sa vote-buying, vote-selling at maiwasan ang pang-aabuso ng kaban ng bayan para sa Eleksyon 2025. RNT/JGC