Home NATIONWIDE Habeas corpuz at petition for TRO ‘di na uubra – Bello

Habeas corpuz at petition for TRO ‘di na uubra – Bello

MANILA, Philippines – Naniniwala ang isa sa legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na uubra ang petition for a writ of habeas corpus na isinampa sa Supreme Court ng kanyang anak na si Veronica “Kitty” Duterte.

Sinabi ni Atty. Silvestre Bello III na mistulang wala nang silbi ang petisyon dahil dinala na sa The Hague, Netherlands ang dating pangulo.

Sa opinyon ni Bello, sa paglipad kay Duterte patungo sa The Hague ay maaaring ituring na moot and academic ang inihain ng kanilang kampo na petition for habeas corpus at petition for temporary restraining order dahil layunin sana nito na mapigil ang pagkuha ng Interpol kay dating Pangulong Duterte.

Nagpahayag naman ng panghihinayang si Bello dahil sa hindi agad pag-aksyon ng
Supreme Court.

Una nang inihayag ni ICC spokesman Fadi Abdullah na sa sandaling nasa kustodiya na ng ICC ang isang suspek, magtatakda ito ng initial appearance hearing.

Si Duterte ay nahaharap sa kasong crimes against humanity during dahil sa kampanya nito kontra droga. TERESA TAVARES