Home ENTERTAINMENT Daing ni Odette Khan, nakarating sa senado!

Daing ni Odette Khan, nakarating sa senado!

180
0

Manila, Philippines – Nakarating na hanggang Senado ang problemang pinansyal ng pamilya ng beteranang aktres na si Odette Khan.

Nag-isyu ng “call for compassion” si Senator Erwin Tulfo para sa mga pasyenteng hirap sa pagbabayad ng kanilang mga hospital bills.

Sa kanyang privilege speech, ni-raise ng mambabatas ang kaso ng 80 anyos na aktres.

Aniya, nakatanggap ang kanyang tanggapan ng sulat mula sa pamilya nito dahil umabot na sa P156,756.23 ang bill ng pasyente.

Lumobo na rin daw ito sa mahigit P200k puwera ang professional at reader’s fees, caregiving expenses at gamot.

Nasuri si Odette na merong pneumonia, emphysema at edema.

Nakatanggap din daw si Tulfo ng advice mula sa National Kidney and Transplant Institute na pag hindi daw nabayaran ang updated running bill sa takdang panahon, masususpindi lahat ang credit privileges nito maliban sa life support.

Ani Tulfo: “The issue is not merely about unpaid hospital bills, it is about dignity, about compassion.”

Moral obligation daw ng mga ganitong institusyon ang isulong ang “humanity in the face of vulnerability.”

Marami raw mga Pilipino ang nasa ganitong sitwasyon.

Umapela si Tulfo kay PBBM at mga kapwa mambabatas tungkol sa “access to care, dignity and basic compassion.”

“The mandate of public healthcare is not profit, Mr. President–it is service,” giit ni Tulfo.

Sumang-ayon naman dito si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Sen. Risa Hontiveros.

Nakiusap din ng financial assistance para kay Khan si Hontiveros. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here