Home METRO Dalagita sa Palawan iginapos dahil sa pagkain ng kahit anong mahawakan

Dalagita sa Palawan iginapos dahil sa pagkain ng kahit anong mahawakan

MANILA, Philippines – Isang 17-anyos na dalagita mula sa Roxas, Palawan na si Aurora ang napilitang itali ng kaniyang pamilya dahil sa kondisyon na kinakain nito ang anumang mahawakan, kabilang na ang mga dingding at sahig.

Dahil dito, nagkaroon siya ng matinding malnutrisyon at pisikal na pinsala.

Ayon kay Marialyn, ang ina ni Aurora, napilitan silang itali si Aurora upang maiwasan itong kumain ng mga bagay na hindi pagkain.

Ang kapatid niyang si Ethan ang nag-aalaga sa kaniya habang patuloy na nag-aaral at nangangarap maging doktor.

Ayon sa mga doktor, ang kondisyon ni Aurora ay maaaring may kinalaman sa psychosis at may mga posibleng diagnosis na neurodevelopmental disorder, schizophrenia, at pica, isang kondisyon kung saan kumakain ng mga bagay na walang nutrisyon.

Nabigyan na siya ng atensyong medikal at kasalukuyang tinatrato para sa malnutrisyon sa ospital sa Puerto Princesa.

Tumulong ang mga lokal na awtoridad at health professionals sa kanilang pamilya, at inaasahan na magpapatuloy ang paggaling ni Aurora sa bahay nang hindi na kinakailangang itali. RNT