Home METRO Dalagita timbog sa P1.4M shabu

Dalagita timbog sa P1.4M shabu

128
0

MANILA, Philippine-s- Huli sa posesyon ng 16-anyos na babae ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation na inilunsad ng Eastern Police District (EPD) sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City noong May 21.

Kinilala ang babae na si alyas “Indang,” bagong natukoy na high value target para sa illegal drugs, ayon sa EPD.

Batay sa police report, nakabili ang police poseur-buyer ng P1,000 halaga ng shabu mula sa suspek matapos manmanan sa loob ng ilang araw.

Narekober ng mga awtoridad mula kay Indang ang 208.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,415,760.

Isinailalim siya sa kustodiya ng Social Welfare and Development ng Pasig City. Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa kanya.

“Saludo ako sa ating mga kapulisan sa muling pagpapakita ng kanilang dedikasyon at kahusayan sa ginagampanang tungkulin. Nakakalungkot at nakakabahala ang mga ganitong kaso sapagkat menor de edad ang nahuhuling suspek, ngunit ang aming hanay ay patuloy na lumalaban at ipinaglalaban ang kaligtasan ng taumbayan,” pahayag ni EPD Officer-In-Charge Brig. Gen. Aden Lagradante.

“We will further intensify our law enforcement operations and strategies with the aim of curbing illegal drugs and raising the awareness of the people on its harmful effects on our society,” dagdag ng opisyal. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here