Home NATIONWIDE Daloy ng trapiko sa bahagi ng NLEX mabagal pa rin

Daloy ng trapiko sa bahagi ng NLEX mabagal pa rin

1
0
filter: 0; fileterIntensity: 0.0; filterMask: 0; captureOrientation: 0; algolist: 0; multi-frame: 1; brp_mask:8; brp_del_th:0.0075,0.0017; brp_del_sen:0.1000,0.1000; motionR: 0; delta:null; module: photo;hw-remosaic: false;touch: (-1.0, -1.0);sceneMode: 2621440;cct_value: 0;AI_Scene: (-1, -1);aec_lux: 293.78772;aec_lux_index: 0;albedo: ;confidence: ;motionLevel: 0;weatherinfo: null;temperature: 36;

PAMPANGA, Philippines – Mabagal pa rin ang daloy ng trapiko sa Tulaoc, San Simon, Pampanga, sa North Luzon Expressway (NLEX) nitong Huwebes ng umaga dahil sa pagbaha.

Ayon kay NLEX Assistant Vice President for Traffic Operations Robin Ignacio, dalawang lane sa San Simon Interchange at Tulaoc ang maaari nang daanan kahit may baha.

Halos humupa na ang baha sa Tulaoc, habang nasa apat na pulgada pa ang tubig sa inner lane ng San Simon Interchange.

Bandang 6:50 a.m., iniulat ng NLEX Corporation na may 1.5-kilometrong pila sa northbound Tulaoc. Bukas sa lahat ng sasakyan ang Lane 1, Lane 2 para lamang sa Class 2 at 3 vehicles, habang hindi madaanan ang Lane 3.

Sa northbound San Simon Interchange, magaan ang trapiko ngunit may tubig sa lahat ng lane. Bukas sa lahat ng sasakyan ang Lane 1, Class 2 at 3 lamang sa Lane 2, at sarado ang Lane 3.

Sa southbound Tulaoc, may baha sa lahat ng lane ngunit magaan ang trapiko. Bukas sa lahat ng sasakyan ang Lanes 1 at 2, habang hindi madaanan ang Lane 3. Sa southbound San Simon Interchange, bukas sa lahat ang Lane 1, Class 2 at 3 lamang sa Lane 2, at sarado ang Lane 3.

Ilang northbound entry point din ang may traffic restrictions. Pansamantalang sarado ang Libsong Exit, habang regulated ang traffic sa Sta. Rita, Balagtas at Pulilan entries.

Pinayuhan ang mga motorista mula sa Tarlac na dadaan sa TPLEX o SCTEX patungong timog na gamitin ang Central Luzon Link Expressway (CLLEX) papuntang Maharlika Highway.

Ayon kay Ignacio, mahirap alisin ang baha dahil mas mataas ang tubig sa labas ng expressway. Naglagay ang NLEX ng temporary flood barriers at sandbags upang hindi madagdagan ang tubig sa kalsada.

Namahagi rin ang kumpanya ng inuming tubig at naglagay ng portable toilets para sa mga motorista. Gayunman, dumami ang sasakyan matapos bahain ang ilang alternate routes.

Sinabi ni Ignacio na unprecedented ang pagbaha sa ilalim ng San Simon Interchange dahil hindi pa ito nakaranas ng ganitong pagbaha noon. Naangat na rin ng 0.7 metro ang Tulaoc section, ngunit pinag-aaralan pa ang karagdagang pagtaas nito.

Kailangan itong i-coordinate sa Department of Public Works and Highways (DPWH), na may plano ring itaas ang tulay sa apektadong bahagi. Ayon kay Ignacio, maaaring hindi sapat ang patuloy na pagtataas ng kalsada upang matugunan ang lumalalang pagbaha.

May panukala ring magtayo ng malaking water impounding area malapit sa lugar upang pansamantalang tipunin ang tubig at saka ito i-pump out kapag bumaba na ang water level.

Samantala, makakatanggap ng toll rebate ang mga motorista na dumaraan sa apektadong bahagi ng NLEX mula Pulilan hanggang San Fernando habang naaantala ang trapiko. Ibabalik ang toll fee sa RFID accounts ng mga motorista sa loob ng 24 oras.

Ayon kay Ignacio, magpapatuloy ang toll rebate hanggang bumalik sa normal ang daloy ng trapiko sa apektadong bahagi. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here