Home NATIONWIDE Pilandok, bahagyang bumilis habang papalabas ng PAR

Pilandok, bahagyang bumilis habang papalabas ng PAR

1
0

MANILA, Philippines – Bahagyang bumilis ang Tropical Storm Pilandok (international name: Krovanh) at malapit nang lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Huwebes.

Alas-4 ng umaga, namataan ang Pilandok 1,030 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras. Taglay nito ang lakas ng hanging 75 kph malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 90 kph.

Walang nakataas na wind signal sa anumang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Gayunman, magdudulot ang habagat ng malalakas hanggang gale-force na bugso ng hangin sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas, gayundin sa Zamboanga del Norte, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Misamis Oriental, Camiguin, Dinagat Islands, Davao Occidental at Davao Oriental.

Nakaapekto rin ang gale warning sa hilaga at kanlurang baybayin ng Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, magdadala rin ang habagat ng malakas na pag-ulan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Zambales, Bataan at Occidental Mindoro. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here