Home ENTERTAINMENT Daniel at Kaila, hinulaang maghihiwalay!

Daniel at Kaila, hinulaang maghihiwalay!

1
0

Manila, Philippines – Nagbigay ang isang kilalang psychic ng kanyang fearless na prediksyon sa magdyowang Daniel Padilla at Kaila Estrada para sa third quarter ng kasalukuyang taon.

Ayon sa nababasa niya sa mga baraha, masaya raw naman si Daniel sa lovelife nito ngayon.

Abala rin daw ito sa kanyang karera at negosyo.

Sa kaso naman ni Kaila, magiging busy din daw ito sa mga proyekto.

Gayunpaman, hindi raw naman magiging maingay ang karera ng dalawa.

May nakikita rin daw siyang pagluluksa sa side ni Daniel na pwedeng matandang kamag-anak.

Dagdag pa niya, hindi pa rin daw niya nakikita si DJ na lalagay na sa tahimik.

Katunayan, posible raw na hindi magkatuluyan ang showbiz couple.

Kung magkakahiwalay daw ang dalawa, hindi umano third party ang magiging dahilan kundi dahil sa ugaling madidiskubre nila sa isa’t-isa para sabihing incompatible sila.

Well, hula lamang po ito dahil ang kapalaran naman ng isang tao, lalo na sa pakikipagrelasyon, ay nakasalalay sa pagpapala ng nasa Itaas. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here