Home ENTERTAINMENT Daniel Fernando, G sa pagbabalik-showbiz!

Daniel Fernando, G sa pagbabalik-showbiz!

218
0

Manila, Philippines – FYI, bago naging inactive si Bulacan Governor Daniel Fernando sa showbiz ay nakagawa siya ng 2 TV projects: “Ikaw Lang Ang Iibigin” at “Ang Probinsyano”.

Recently ay sinabi ni Daniel na willing na ulit siya tumanggap ng acting projects.

“Gusto ko pa ring magbalik sa showbiz pero depende sa gagawin ko. Action-drama ang gusto ko. Depende sa role na ibibigay. Ayaw ko nang mahaba. Ayaw ko nang maigsi. Guso ko talaga ay ‘yung markado.

“Kung babalik ako, gusto ko ‘yung parang sa ‘Ikaw Lang Ang Iibigin,’” sabi ni DF.

Nag-throwback pa si Daniel sa kanyang stint sa nasabing project.

“I won an award. Napatunayan pa rin natin na naroon pa rin ‘yung husay natin sa pag-arte. Hindi ko itinataas ang sarili ko pero pinagbuti ko naman.

“Naipakita ko ‘yung effort. Awa ng Diyos ay napansin ng award-giving body.”

Binanggit din ni Daniel na may offer sa kanya noon ang “The General’s Daughter,” ngunit tinanggihan niya dahil sa kanyang trabaho bilang governor.

“After ‘Ikaw Lang Ang Iibigin,’ in-offer sa akin ‘yung ‘General’s Daughter’ with Angel Locsin. Ako dapat ‘yung sa role ni Tirso. Busy na ako nung time na ‘yun sa public service,” sabi niya.

Nag-share din si DF ng thoughts kung paano niya name-maintain ang maganda at maayos niyang pangangatawan.

Positive attitude.

‘Yan daw ang kailangan sa kanila ng ingay ng intriga sa politics. Bukod dito ay wala rin siyang bisyo.

“Hindi rin ako kumakain ng karne. Patikim-tikim lang. Gulay lang. More on fish.

“Biking. Basketball pa rin. Walking. Swimming,” dagdag pa niya.

“Siyempre dalangin sa Diyos. Siya ang sandigan at sandalan. Panalangin ang nagpapatibay sa atin.” JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here