Home ENTERTAINMENT Daniel, naitsa-puwera sa VTR kay Kathryn; Fans, nagpasalamat!

Daniel, naitsa-puwera sa VTR kay Kathryn; Fans, nagpasalamat!

Manila, Philippines – Daniel Padilla out, Jericho Rosales in!

Before jumping the gun ay sa VTR lang in si Echo, not in Karhryn Bernardo’s personal life.

Ginanap nga nitong February 2, Biyernes ang muling pagpirma ng aktres ng kontrata sa Star Magic.

Thus, it quashed rumors na lalayas na si Karhryn sa ABS-CBN’s talent arm at lilipat sa Crown Artist Management ni Maja Salvador.

Kath’s contract renewal was not without congratulatory messages on VTR.

Isa nga sa nag-congratulate sa kanya ay si Jericho.

Looking forward ang aktor to working with Karhryn.

Umani ng positibong reaksyon ang unexpected na pagbating ‘yon ni Echo.

Obyus na hindi pa man ay magiging mainit ang pagtanggap sa kanila should Star Cinema cook up a film project na sila ang magkasama.

Judging pa lang sa pagdya-jogging nila nang sabay ay marami na ang kinilig.

After all daw, pareho silang single.

Nabalita na kasing hiwalay na si Echo sa asawang si Kim Jones.

At mukhang masusundan pa ang pagkukrus ng landas nina Kathryn at Echo who were among who graced the gender reveal ng sanggol na dinadala ni Maja.

While “in” si Jericho sa VTR sa contract signing ni Kathryn, out naman si Daniel.

Abut-abot ang pasasalamat ng mga tagahanga ni Kathryn sa ABS-CBN na hindi isinama ang ex-boyfriend.

What for nga naman? Ronnie Carrasco III

Previous articleDong at PJ, tie sa best actor; Vilma, best actress sa MIFF!
Next articleAmihan, easterlies iiral sa ilang bahagi ng bansa