MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa Northeast Monsoon o Amihan at easterlies.
Ayon sa PAGASA, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Eastern Samar, Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental dahil sa easterlies.
Magdadala naman ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang amihan sa Cagayan Valley at Aurora, at bahagyang maulap hanggang sa maulap na may isolated light rains sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region dahil sa kaparehong weather system.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa pinagsanib na epekto ng easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC