Home METRO Policewoman, loverboy na pulis din huli sa aktong pagtatalik sa loob ng...

Policewoman, loverboy na pulis din huli sa aktong pagtatalik sa loob ng sasakyan!

LAGUNA- Tugis ngayon ang isang babaeng pulis matapos makatakas habang sugatan ang loverboy nitong pulis makaraang mahuli sila sa aktong nagse-sex sa loob ng sasakyan ng kanilang mga asawa na parehong mga pulis din noong Huwebes sa Barangay Canlubang.

Nahaharap ngayon sa kasong concubinage at adultery sugatang pulis, 40-anyos, nakatalaga sa Police Regional Office 4-A, ay asawa ng nagrereklamong 39-anyos na lady police master sergeant habang pinaghahanap ang kalaguyo nitong 41-anyos na policewoman na isang (police executive master sergeant) na nakatalaga sa Calamba City Police Station, na asawa naman ng nagrereklamong police major.

Sa reklamo ng dalawang pulis, may hinala na silang may relasyon ang kanilang mga asawa kaya sinundan nila ang mga ito.

Pagdating sa isang mall sa nasabing barangay bandang alas-10 ng umaga, nakita nila ang dalawa na nagtatalik sa loob ng sasakyan na asawa ng police major.

Dito, nilapitan nila ang dalawa sa loob ng sasakyan subalit nagtangkang tumakas ang pulis na lalaki kaya binaril ito sa balikat ng kanyang babaeng asawa na pulis.

Mabilis namang pinaandar ng babaeng pulis ang kanyang sasakyan pero binaril ang gulong nito ng kanyang mister na pulis.

Hindi naman naging hadlang ang flat na gulong at mabilis pa ring itong pinatakbo ng suspek na babaeng pulis patungong Batangas ang sasakyan.

Dinala naman sa ospital ang lalaking pulis para lapatan ng lunas ang tinamo nitong sugat. Mary Anne Sapico