Home HOME BANNER STORY PH crime rate bumaba ng 63.59%

PH crime rate bumaba ng 63.59%

MANILA, Philippines- Iniulat ng Philippine National Police nitong Sabado na bumaba ang krimen sa bansa ng mahigit 60 porsyento miula July 2022 hanggang April 2024, at sinabing P32 bilyong halaga ng droga ang nakumpiska sa nasabing period.

“There is a 63.59% decrease in terms of our Peace and Order Indicator. And when we speak of Peace and Order Indicator, this includes the index crime where the eight focus crimes are also included,” ani PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa Saturday news forum.

Ani Fajardo, kabilang sa walong focus crimes ang mga krimen sa laban sa indibidwal tulad ng murder, homicide, at iba pang krimen laban sa ari-arian tulad ng robbery, theft, carnapping ngmotor vehicles at motorcycle theft.

Pinakamalaki ang ibinba ng robbery at physical injury, dagdag ng opisyal.

Hinggil sa P32 bilyong drogang nasamsam sa nasabing period, sinabi ni Fajardo na kabilang dito ang P13.3 bilyong ilegal na droga na nasabat ng mga awtoridad noong April 15 sa Alitagtag, Batangas. RNTSA