Home METRO Binatilyong suspek sa pamamaril, sumuko

Binatilyong suspek sa pamamaril, sumuko

127
0

LILOAN, Cebu- Sumuko sa mga awtoridad ang isang binatilyo na kasama sa limang suspek sa pamamaril na ikinasawi ng isang dalagita at ikinasugat ng dalawa pa noong Biyernes sa bayang ito.

Ayon kay Police Major Eric Gingoyon, hepe ng Liloan Police Station, unang sumuko ang 16-anyos na binatilyo sa mga opisyal ng Barangay Calero sa Liloan bago dinala sa pulisya.

Sinabi ni Gingoyon, ang suspek ay itinuro ng apat pang suspek bilang gunman sa pag-atake na mariin namang itinanggi at sinabing sinamahan lamang niya ang apat na kagrupo sa Blood gang.

Matatandaang nag-iinuman ang mga biktima sa labas ng isang convenience store nang paputukan sila ng mga salarin na nakamotorsiklo bandang alas-4 ng madaling araw.

Sinabi ng pulisya na personal na galit ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mga biktima na pawang kasapi ng Crisps gang.

Dagdag pa ng pulisya na ang naturang dalawang grupo ay sangkot sa ilang kaguluhan na nagaganap sa nabanggit na lugar. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here