Home ENTERTAINMENT Gloria Romero, tinutulak na gawing National Artist!

Gloria Romero, tinutulak na gawing National Artist!

Manila, Philippines- Sa isang pahayag, binigyang diin ni FDCP Chair at CEO Jose Javier Reyes ang naging ambag ng cinema visionaries sa pagsulong ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Nagbigay pugay din siya sa naging kontribusyon ng movie queen at veteran actress na si Gloria Romero na pinarangalan ng kanyang ahensiya sa isang event bilang Lifetime Achievement awardee.

Aniya: “There’s absolutely no better way of defining the Filipino beauty queen than Gloria Romero. In her 90s right now, she has become the epitome not only of professionalism but everything Filipino cinema was before in the decades.”

Naging topic ito sa isang entertainment portal kung saan may mga naglo-lobby na iluklok na bilang National Artist ang isa sa pinakamatandang movie queen.

Ito naman ang mga komento ng netizens sa isang thread ng diskusyon.

“If there’s one person who truly deserves to be conferred with the National Artist for Film and Broadcast Arts, it’s the Queen of Philippine Cinema, Gloria Romero. Walang masamang tinapay, kilala ng lahat ng henerasyon, lahat ng artista at mga Pilipino, e, mahal at nirerespeto sya and spent 70 years of her life contributing to Philippine cinema through her films.”

“She deserves it. She is one of the only remaining living actress from the first Golden Age of Philippine Cinema. Ibigay sa kanya habang masigla pa ang reyna!!!!”

“Long overdue. I hope she gets honored soon na alive at nakakarinig pa Siya. I also hope meron gumawa ng biography pa niya. We need her story for inspiration and also for us younger generation na mas makilala siya.”

“Why not poknat! She stood the test of time. Walang negative write up or tsismis. Was a very versatile actress, pwede comedy, drama and still very active until recently.”

“Ayaw ng government dahil may monthly allowance na matatanggap. Kupal tlga.”

“Kailan pa nila ibinigay, pag wala na iyong tao? Very deserving naman siya.”

“Sorry, di siya pamilyar sa millennials. Kilala lang siya bilang lola sa mga serye at pelikula.” Archie Liao