Home NATIONWIDE Paglalagay ng CCTVs sa mga warehouses, regular rotation ng mga tauhan sinisilip...

Paglalagay ng CCTVs sa mga warehouses, regular rotation ng mga tauhan sinisilip ng NFA

MANLA, Philippines- Inilatag ni National Food Authority (NFA) acting Administrator Larry Lacson ang kanyang mga plano na magkabit ng closed-circuit television cameras (CCTVs) sa kanilang mga bodega at ilagay ang NFA personnel na humahawak ng sensitibong posisyon sa regular rotation.

Sinabi ni Lacson na pinasimulan inya ang maraming ‘procedural changes’ para pigilan ang insidente ng korapsyon na nangyari noong nakaraan sa NFA.

“Lahat ng mga warehouses natin, we will put up CCTVs na nakikita hanggang sa central office para lahat ng mga galaw ng mga stock nakikita po, na-mo-monitor in real-time,” ayon kay Lacson.

“Sa dami po ng technology ngayon, kailangan po natin gamitin ang technology para po magkaroon tayo ng control mechanism,” dagdag na wika nito.

Sisimulan aniya niya ang regular rotations para sa NFA personnel sa sensitibong posisyon para pigilan ang mga ito na maging pamilyar sa kanilang kliyente.

“[We will implement] regular rotation ng mga tao na humahawak ng sensitive na position. Hindi kailangang magkaroon ng anomalya bago mo i-rotate. I-rotate mo on a regular basis para walang na-cre-create na rapport sa mga kliyente—walang familiarity,” sabi ng opisyal.

Aniya pa, hindi pa sila nagtatakda ng duration ng ‘rotation of personnel.’

“Gusto ko regular [ang rotation], at least siguro isang taon lipat ka,  pinakamaximum dalawang taon lipat ka,” pagpapatuloy ni Lacson

Ang regular rotation ng NFA personnel, nagsisilbi hindi lamang para pigilan ang korapsyon kundi maging paraan upang makahubog ng “well-rounded individuals.”

“Kapag umikot po iyan sa ibang lugar, mas marami po ang na-a-absorb nilang kaalaman, mas magaling na po ‘yan para sa pagdating ng araw marami tayong pool ng magagaling na pwede pong umangat sa matataas na posisyon,” ang paliwanag ni Lacson. Kris Jose